Buwan ng Wika 2024

Buwan ng Wika 2024 Book Picks

(Use the toggle to display your preferred version.)

FilipinoEnglish

Hindi ko agad napansin na Agosto na pala hanggang sa makita ko ang isang post sa TikTok tungkol sa mga libro na pinili niyang basahin para sa Buwan ng Wika. Doon ko naalala yung mga libro ng mga Pilipinong manunulat na binili ko pa noong nakaraang taon sa book fair—hindi ko pa pala nababasa ang mga ito! Kaya naisip ko, bakit hindi ko subukang basahin ang mga ito ngayong buwan? Karamihan naman dito ay maiikli lang, kaya hindi siguro mabigat tapusin lahat.

Narito ang mga libro sa listahan ko:

Trese vol. 6-8 nina Budjette Tan at KaJo Baldisimo – Ang mga graphic novel na ito ay sumasalamin sa madilim at misteryosong mundo ng alamat at kwentong-bayan ng Pilipinas. Kasama rito ang mga nilalang tulad ng engkanto, aswang, at iba pang mga mitolohikal na nilalang. Bawat volume ay mas pinalalalim ang kuwento ni Alexandra Trese, ang tagapamagitan sa pagitan ng mundo ng tao at ng supernatural. Isang modernong kwento na malalim na nakaugat sa ating mayamang kultura at alamat.

Trese Presents: Verdugo ni JB Tapia, inedit ni Budjette Tan – Nakasalaysay pa rin sa mundo ng Trese, ngunit may kakaibang perspektibo, ang “Verdugo” ay kuwento ng isang tauhan na nagpapakita ng madilim na mukha ng hustisya. Ang kakaibang istilo at atake nito ay tiyak na magbibigay ng bagong lasa para sa mga tagahanga ng Trese.

Anina ng Mga Alon

Anina ng mga Alon ni Eugene Evasco – Isang kwentong pambata na tumatalakay sa ugnayan ng tao at ng dagat. Dito, matutuklasan natin ang mga pangarap, takot, at pakikipagsapalaran ni Anina, isang batang mangingisda na hinaharap ang mga alon at mga pagsubok ng kalikasan.

Mga Tala sa Dagat

Mga Tala sa Dagat ni Annette Flores Garcia, isinalin ni Nanoy Rafael – Ito’y isang kwento na nagsasalaysay ng buhay sa tabing-dagat, kung saan malalim ang ugnayan ng tao at ng dagat. Sinusundan ang kwento ng isang batang lalaki, anak ng isang kilalang mangingisda, na napilitang tumigil sa pag-aaral upang suportahan ang kanyang pamilya matapos ang trahedya ng kanyang ama. Tumatalakay ang kwento sa realidad ng child labor at ang mga sakripisyong ginagawa ng mga bata dahil sa hirap ng buhay. Habang sinusubukan niyang makahanap ng sariling pagkakakilanlan at makatakas sa anino ng kanyang ama, masasaksihan natin ang isang makapangyarihang kwento ng tibay ng loob, sakripisyo, at paghahanap ng sariling landas sa gitna ng unos.

Patron Saint of Nothing

Patron Saint of Nothing ni Randy Ribay – Ito ang binabasa ko nayon, na nahiram ko sa Libby. Ang nobelang ito ay sumusunod sa kwento ng isang binatilyo na bumalik sa Pilipinas mula Amerika upang alamin ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kanyang pinsan. Binibigyang-buhay nito ang pakikibaka ng isang kabataan na nahihirapan sa pagitan ng dalawang kultura at ang kanyang paghahanap ng hustisya sa gitna ng karahasan.

Alam kong kalagitnaan na n Agosto, pero naisip ko talaga ito noong nakaraang linggo pa at agad akong nagsimula magbasa. May 15 araw pa naman ako, at kumpiyansa akong matatapos ko ang mga ito sa takdang panahon. Kaya, kung gusto nyo ring sumawsaw sa panitikang Pilipino ngayong Buwan ng Wika, samahan niyo ako sa pagbasa ng mga akdan Pilipino. Tuklasin natin ang mga kwentong ito at ipagdiwang ang ating mayamang pamana sa panitikan!

I didn’t realize it was already August until I saw someone on TikTok post about her book picks for Buwan ng Wika. That’s when I remembered the books by Filipino authors I bought during last year’s book fair that I still hadn’t read. So, I thought, why not challenge myself to exclusively read those books this month? They are mostly short, quick reads, so it shouldn’t be too much pressure to finish them.

Here’s what I have on my list:

Trese vol. 6-8 and Verdugo

Trese vol. 6-8 by Budjette Tan and KaJo Baldisimo – These graphic novels take us deep into the dark and mysterious world of Filipino folklore, with creatures like engkanto, aswang, and other mythical beings. Each volume delves deeper into the story of Alexandra Trese, the mediator between the human world and the supernatural. It’s a perfect example of a modern tale rooted in our rich mythology.

Trese Presents: Verdugo by JB Tapia, edited by Budjette Tan – Set in the world of Trese but with its own unique voice, Verdugo tells the story of a character that exposes the darker side of justice. The difference in style and approach will surely offer a fresh perspective to Trese fans.

Anina ng Mga Alon

Anina ng mga Alon by Eugene Evasco – A youth story that highlights the connection between humans and the sea. Through this tale, we learn about the dreams, fears, and adventures of Anina, a young fisher girl who sails amidst the waves and the wrath of nature.

Mga Tala sa Dagat

Mga Tala sa Dagat by Annette Flores Garcia, translated by Nanoy Rafael – This story takes us to the shores where life and the sea are deeply intertwined. It follows the journey of a young boy, the son of a legendary fisherman, who is forced to give up his studies and support his family after his father’s tragic accident. The story delves into the harsh reality of child labor and the sacrifices many children are forced to make because of financial hardships. As he struggles to find his own identity and step out of his father’s shadow, we see a powerful tale of resilience, sacrifice, and the longing to carve out a path of one’s own amidst the waves.

Patron Saint of Nothing

Patron Saint of Nothing by Randy Ribay – I’m currently reading this one, which I borrowed from Libby. This novel follows the complex life of a teenager who returns to the Philippines from America to uncover the truth behind his cousin’s death. It narrates the character’s struggle between two cultures and his quest for justice amidst violence.

I know it’s already mid-August, but I swear I thought of this last week and started reading right away. I still have 15 days to go, and I’m positive I can finish all of these in time. So, if you’re looking to connect more with Filipino literature this Buwan ng Wika, maybe you can join me in this reading challenge. Let’s dive into these stories together and celebrate our rich literary heritage!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top